Correct Answer: Brainliest, Nonsense Answer: Report

CORRECT ANSWER: BRAINLIEST
NONSENSE ANSWER: REPORT

Answer:

Likas Kayang Pag-unlad

Ito ay tumutukoy sa pagsulong na nakatutugon sa kasalukuyang pangangailangan ng mga tao na may pagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga tao sa darating na panahon.

Bakit ito nabuo?

Paano ito nabuo?

1972 - Naghanap ng solusyon ang United Nations para umunlad ang mga bansa at malutas ang problemang pangkalikasan.

1987 - Binuo ng UN ang Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunlaran (World Commision of Environmental and Develoment. Nilalayon nito na pag-aralan at mabigyan ng solusyon ang problema sa kalikasan at kaunlaran.

Dahil sa pagdami ng tao, nasira ang mga kalupaan at katubigan.

Nagkaroon ng polusyon sa lupa, tubig at hangin.

Dahil sa gawaing pangkabuhayan ng tao ay nasira ang kapaligiran.

Kung magpapatuloy ito, mawawalan tayo ng mapagkukunan ng ikabubuhay sa darating na panahon.

Binigyang diin ng Komisyon ang LIKAS KAYANG PAG-UNLAD O SUSTAINABLE DEVELOPMENT GOALS.

1992 - Idinaos ang Conference on the Environment at Earth Summit sa Rio de Janeiro, Brazil. Dito itinalakay ang tungkol sa LIKAS KAYANG PAG-UNLAD.

Ang likas kayang pag-unlad ay ang pagtugon sa pangangailangan at mithiinng mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan sa susunod nahenerasyon na makamit din angkanilang mga pangangailangan.

Ang likas kayang pagunlad ay paagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa kakayahan at abilidad ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan

Explanation:

Ang KAHALAGAHAN:

ANG LIKAS KAYANG PAG UNLAD ay itinuturing na importante sapagkat dito nakasalasalay ang mga likas na yamang magagamit ng mga hinaharap na lahi ng tao. Mahalaga ang parteng ginagampanan ng pag unlad sa pamumuhay ng mga tao, sapagkat dito nakatuon ang kasalukuyang galaw, kabuhayan at pinagmumulan ng kinakain ng mga tao.

Subalit sa paglipas ng panahon at sa pang araw araw na paggamit nito, malaki ang pagkakataong ito ay maubos at kung sakaling ito ay mangyare hindi mararanasan ng mga murang edad na kabataan ang paggamit ng mga likas yaman sa paligid.

Kung kayat mahalaga ang pagdidisiplina sa tao sa paggamit ng mga yamang nakapaligid sa mundo.

1. Nasasabi ang kahulugan at kahalagahan ng likas kayang pag-unlad o sustainable development. 2. Nakalalahok sa mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas yaman ng bansa 3. Naipadarama ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing may kinalaman sa likas kayang pag-unlad


Comments