Wo, Lgagalang Ko Masayang Nanood Ng Telebisyon Ang Pamilyang Cruz. Ito Na Ang Kanilang Nakasanayan P

Wo, lgagalang ko Masayang nanood ng telebisyon ang pamilyang Cruz. ito na ang kanilang nakasanayan pagkatapos kumain, at isa sa mga rason ay dahil gusto nilang malaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng kanilang lugar. Narinig nila sa balita na mararni ng mga kabataan ang nahilig sa paggamit ng cellphone o mga gadgets. Ang magkapatid na Susan at Boyet ang seryoso sa pakikinig. Isa sa mga nakapanayam ang nagsalita "Dapat hindi na naimbinto ang cellphone na yan dahil ang mga bata ngayon ay hindi na mautusan." Narinig naman ito ni Susan at sinabi. "hindi naman lahat ng mga bata ay ganyan, malaki ang naitutulong ng media at teknolohiya sa atin dahil napapadali nito ang ating mga gawain, paliwanag ni Susan. Agad namang nagsalita si Boyet "Oo ngal galit na sabi "hindi na ako nahihirapan sa pagsagot ng aking mga takdang aralin dahil sa mga teknolohiya ngayon, saad ni Boyet. Biglang nagsalita ang kanilang nanay na si Gng, Cruz, "Mga bata, huwag kayong magalit sa sinasabi o pahayag ng ibang tao dahil opinyon nila iyon, bawat isa ay may kani-kaniyang opinyon na dapat respetuhin o igalang. Ito man ay pabor o hindi sa atin. Dahil sa sinabi ng kanilang nanay, naunawaan nila na mahalagang igalang ang opinyon ng ibang tao.

1. Sa iyong palagay, tama ba ang pahayag ni Susan? Bakit?

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng taong nakapanayam sa balita?

3. Sa tingin mo ba tama ang sinabi ng kanilang nanay? Ipaliwanag.

4. Baldt kailangan nating igalang ang opinyon ng ibang tao?

Katanungan :

1. Sa iyong palagay, tama ba ang pahayag ni Susan? Bakit?

  • Tama ang pahayag ni Susan dahil totoo na mas napapadali ng teknolohiya ang lahat. Ngunit, naka-salalay na sa bata kung siya ay hindi na mautusan gawa ng pag-kakaroon ng bisyo sa pag-gamit ng medya.

2. Sang-ayon ka ba sa sinabi ng taong nakapanayam sa balita?

  • Tama naman, yung iba sa mga bata medyo napapa-bisyo na sa pag-gamit nito habang ang iba, mas natutok sa pag-aaral kung kayat nasabi ni Susan at Boyet ang kanilang opinyon.

3. Sa tingin mo ba tama ang sinabi ng kanilang nanay? Ipaliwanag.

  • Tama, dapat hindi magalit sa opinyon dahil kanila lamang itong personal na opinyon kung kayat wala tayong kinalalaman doon, dahil ang iba nga naman kung sa paningin na yoon ay ang kanilang nakikita.

4. Bakit kailangan nating igalang ang opinyon ng ibang tao?

  • Ang opinyon ng isang tao ay nararapat nating igalang dahil ito ay kanilang nakikita, at bilang respeto, igalang natin ang kanilang opinyon.

#CarryOnLearning <3


Comments